Wednesday, May 30, 2012

LARO

UNANG YUGTO - pagkamulat

13 taong gulang galit na galit ako kay tatay pagkat nanunuod sya ng PBA Red Bull BARAKO vs San Miguel Beermen. finals na daw kaya kelangn nang panuorin pero nung mga panahon na yon wala akong paki alam pagkat nanunuod ako noon ng power rangers KAINIS.. 

Grade 5 ako pe namin nag uusap ang mga kaklase ko tungkol sa "historical game" daw na ginawa ng nag ngangalang "T-mac" tatlong 3 points daw ang ginawa niya sa last minute ng laro at sa huli sila ang nag wagi, sa huli di ko gets yung pinag uusapan nila BOOM..

Grade 6 ako sa kasawiang palad namaalam na ang sapatos kong pang PE na advan, <yung kulay puti at mukang pang kung-fu> sabado noon pumunt kami sa mall at ibibili ako ng aking nanay ng sapatos, habang namimili ako ng sapatos si kuyang salesman may sinabi " sir eto po yung bagong labas namin yung kay Iverson po" nai isip ako,.. sinong iverson? artista ba yon? at dahil na din nagandahan ako sa disenyo at kulay at dahil na din sa pangungulit ni kuya sinabi ko kay nanay na yun yung nagustuhan ko... kaso nasa walang libo ang presyo kaya hindi rin pumayag si nanay. sa bandang huli nauwi na naman kami sa advan na sapatos, yung dating puti kulay itim na ngayon. HEARTBROKEN aww..


IKALAWANG YUGTO - pagsabay sa agos

First year high school Blessed jane intrams naghahanap ng player sa basketbol at dahil nasa section ako na kapos palad sa tangkad nasali ako sa tean hindi first five, hindi rin 2nd five kundi reserve. gayun pa man nung mga panahon na yon wala pa rin akong malay sa basketbol marunong lang akong humawak ng bola, tumakbo sa court na para sa akin ay takbo na ngunit sa iba ay lakad lang. At umupo, mag cheer sa mg kakampi kong naglalaro. O diba  SWERTE....

Tulad ng nasa unang yugto hindi pa man nasisira ang sapatos ko gusto ko nang bumili at sakto pumabor sa akin ang kapalaran pagkat maganda ang gising ni nanay noon at medyo nakakaluwagluwag kami. Kaya naghanap ako ng sapatos na bibilin ko.. sa pagkakataong ito ako naman ang lumapit kay ate saleslady at nagtanong "ano po ang bago nyong labas na sapatos, yung pangbasketball po?" sabi nya sir eto po sabay turo duon sa sapatos na pula, noong una medyo duda ako pagkat parang nasasagwaan ako dun sa style pero tiwala pa din ako kay ate saleslady kaya yon kinuha ko na, tapos sale pa... masaya na sana ang lahat hanggang nang pag uwi namin sa bahay pinakita ko sa pinsan ko yung sapatos dun ko lang nalaman na hindi pala pang baskebol yun kundi pang porma lang, {kaya next time WAG na WAG kayong magtatanong sa babae ng tungkol sa pang BASKETBOL na sapatos kung ayaw nyong malinlang} grabe.. MALAS

THIRD YEAR high school nakilala ko ang mga kalaro ko na hanggang ngayon ay mga tunay kong kaibigan lagi silang nag kukuwentuhan tungkol sa nba mga moves, shooting style, at dunks. ayon napasama na ako at everytime na pe namin ginagawa namin yung moves at pasahan na napanuod namin ng nakaraang araw o diba ok na? .... ENJOY

IKATLONG YUGTO - pangyaayring di malilimot

FOURTH YEAR ayan na may paborito na akong player at ang pangalan niya ay LeBron JAMES at dahil sa  pagkahumaling ko sa kanya kahit mga iposibleng galaw nya ay ginagaya ko kahit magmuka na akong tanga at kahit na malayong malayo yung galaw ko sa kanya, dibale na mahalaga sinubukan diba? O ayon sabay noon bumili ako ng sapatos nya na limiteg edition.. first time kong makabili ng sapatos na ganoon ka mahal at  nagagalit si nanay pero wala na syang magagawa naka swipe na yung card nya eeh.. tsk tsk tsk. 


FOURTH YEAR uli Intrams  pinaka hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko player ako ng basketbol sakto ako ang naglabas ng bola e dahil sa natapik nung STAR PLAYER ng kabilang team yung bola nainis ako kaya niyakap ko siya at itinumba, kaso nung patayo ako HINDI KO SINASADYANG MAITUKOD ANG SIKO KO SA KANYANG napaka SENSITIVE na likod {sinadya mao o hindi kayo na bahalang humusga may video yun hanapin nyo na lang} sa kasawiang palad nai-video nga iyon at yun ang pinag basehan ng mga referee sa itatawag sakin. at dahil don FLAGRANT foul ang tinawag sakin at hindi nako nakapasok pang muli sa court.. "SUPER STAR"

SA KASALUKUYAN eto pasama sama pag may laro, libre man o hindi, hindi ko na habol matuto ng todo sa paglalaro ng basketbol nais ko lang na pawisan at syempre iba pa rin yung pakiramdam pag mga kaibigan mo yung kasama mong maglaro lalo na pag matagal kayong hindi nagkikita.. kumbag BONDING na, ayon muli sana'y inyong pagpasensyahan ang pagbabahagi ng aking karanasan sa BASKETBOL